Advertisers
Pormal nang isinampa ng Iloilo Provincial Police Office ang kasong murder laban kina dating San Dionisio Mayor Peter Paul Lopez; asawa nitong si Saliha Lopez; at ang mga anak na sina Carlos Paul Lopez; at Felix Paul Lopez, sa Iloilo Hall of Justice nitong Huwebes.
Kasamang sinampahan ng kasong murder ang anim na iba pang sangkot umano sa pagpatay sa biktimang si Claire Diergos, 36.
Ayon sa ulat, sinampa ng otoridad ang kaso nang makumpleto ang mga sinumpaang salaysay ng mga saksi sa pagpatay kay Diergos.
Matatandaan na noong October 26, 2021, natagpuan sa loob ng kaniyang sasakyan si Diergos na duguan at nakabalot sa isang comforter. Nilaslas ng kutsilyo sa leeg ang biktima na may mga tama din ng saksak sa katawan at kamay, ayon sa pagsusuri ng pulisya.
Ayon sa mga awtoridad, Ang mag-asawang Lopez at ang dalawa nilang anak ang itinuturong mastermind umano sa brutal na pagpatay sa biktima. Isa sa mga motibo sa krimen ang pagseselos.
Sa pahayag na inilabas ng isa sa mga anak ng dating mayor, hindi umano sila mamatay ng tao.
“We are lenders. We are car dealers but surely we are not killers,” ani Christian Paul Lopez sa kaniyang social media account.
Nagpasalamat sa pamamagitan ng kanyang social media account ang kapatid ni Diergos sa pag-usad ng kaso ng biktima.