Advertisers

Advertisers

Payloader nahulog sa bangin: driver patay

0 242

Advertisers

Patay ang 31-anyos na lalaki nang mahulog sa bangin ang minamaneho nitong payloader sa Sangilo, Poblacion, Itogon, Benguet.

Kinilala ang biktima na si Jason Tafucay Botis, may asawa, residente ng Sablan, Benguet, nagtratrabaho bilang payloader operator.

Sa ulat ng Itogon Municipal Police Station, papunta sana ang biktima sa Tailing site ng isang mining company doon sa nabanggit na lugar nang mahulog sa bangin na may lalim na 100 na metro ang minamaneho nitong payloader.



Agad na dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.