Advertisers

Advertisers

Water tank sumabog: operator todas, 5 sugatan, 2 bahay wasak

0 501

Advertisers

Patay ang isang lalaki, lima ang sugatan at nawasak ang bahagi ng dalawang kalapit bahay nang sumabog ang steel bolted Water tank ng Water District sa bayan ng Bulakan.

Kinilala ang nasawi na si Ryan Mangio, operator; habang sugatan ang dalawang kawani ng water district na sina Eduaro Carpio, tubero; Ricardo Sulit, operator; Milagros Tionglo; 1 kasambahay na ‘di pa pinangalanan; at Jomar Esteban.

Ayon sa saksing si Vic na nag-Facebook live, residente ng Pangulang, Brgy. Bagumbayan, na 6:00 ng umaga nitong Sabado, January 8, nagising siya nang marinig ang malakas na pagsabog sa di-kalayuan sa kanyang bahay.



Dahil sa lakas ng pagsabog ng tangke ng tubig, nasira ang katabing bahay, at natangay rin ng malakas na bulwak ng tubig ang isang motorsiklo, tricycle at isang van ang tinangay sa gitna ng sapa sa lugar.

Dahil sa pagsabog ng tangke ng tubig, apektado na ang suplay ng tubig sa nasabing bayan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung may kinalaman ang over pressure kaya sumabog ang tangke ng tubig at naganap ang hindi inaasahang aksidente.(Thony D. Arcenal)