Advertisers

Advertisers

Lalaki huli sa pagnanakaaw ng 18 sako ng rekord ng kaso ng korte

0 259

Advertisers

Kalaboso ang isang lalaki nang nakawin ang 18 sako ng case record mula Regional Trial Court (RTC) Branch 83 sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang suspek bilang si John Carlo Lumbres.

Batay sa report, binasag ni Lumbres ang bintana ng staff room ng korte at saka pinagkukuha ang mga case record.



Isinakay nito sa kanyang tricycle ang mga ninakaw na importanteng tala.

Ngunit habang palayo pa lang si Lumbres, nahuli na siya ng mga awtoridad.

Narekober naman sa kanya ang mga ninakaw na case record.

Nahaharap ang suspek sa kasong robbery.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">