Advertisers

Advertisers

SINASAMANTALA NG MGA KOMUNISTANG-TERORISTA ANG SITWASYON NG MGA TINAMAAN NI ODETTE – DILG

0 426

Advertisers

MAGDADAGDAG pwersa ng kapulisan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette upang masiguro ang kaligtasan ng mga “responders” dahil sa mga pag-atake at pagsasamantala sa sitwasyon ng mga komunistang-terorista.

Ito ang inihayag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa unang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa 2022 nitong Lunes kung saan sinabi ng opisyal na ang mga pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa gitna ng super typhoon Odette ay hindi na katanggap-tanggap.

“Lesson learned from this ay magdeploy tayo ng mas dagdag pang kapulisan para maprotektahan naman natin ang mga taga LGU (local government unit). We will do what we can to ensure their safety,” ang pahayag ni Malaya.



Dagdag pa niya sa kabila ng pagsisikap ng pamahalaan na tulungang ang mga nasalanta ay mayroon pa tayong “mga kababayan di alintanang pumatay ng mga sundalo at mga sibilyan”, bago at habang rumaragasa ang super typhoon na Odette.

“Di na katanggap-tanggap ang kanilang walang awang pagpaslang, mga walang pusong komunistang-teroristang sa ating mga kababayang binayo ng bagyo at apektado ng kalamidad,” ang sabi pa ni Malaya.



Subalit, hindi raw matitigil ng mga ganitong mga pangyayari ang pagmamalasakit ng ating pamahalaan sa pagtulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo upang makabangon silang muli.

“Makakaasa po ang ating mga kababayan, na hindi titigil ang ating pamahalaan sa mga bayan na ngayon ay nasa disaster recovery and rehabilitation phase na mula sa typhoon Odette,” dagdag pa ni Malaya.



Samantala, ibinahagi naman ni Mayor Jane Plaza, ng Carmen, Surigao del Sur, ang kanilang karanasan noong December 15, 2021, bagoang kasagsagan ng bagyong Odette, kung saan tatlong miyembro ng Philippine Army kasama sa Charlie Company ang tinambangan ng mga NPA habang magsagawa ng “preventive evacuation” sakay ng kanilang army pick-up truck.

“Alam nilang sila ay talagang papatayin kaya’t gumawa ng paraan kahit sugatan na upang makatakas ang ating mga sundalo. Dalawang armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo ang sumunod na nakitang nagpapaputok at sumunog sa kanilang sasakyan,” ang kwento ni Mayor Plaza.

Sabi pa ng mayora na kahit sila ay nakapagpasa na ng resoluyon g persona non grata na ang mga NPA sa kanilang lugar at kahit kakaunti na Ang mga ito, gumagawa pa rin ng mga panggugulo ang mga komunistang-terorista upang masabi lamang na sila ay lumalaban pa.

Si La Castellana, Negros Occidental Mayor Rhumyla Nicor-Mangilimutan naman ay nagbahagi rin kung paano nakisakay sa away-pamilya ang mga NPA sa kanilang lugar at pinatay pa ang magsasakang si Mario Landeda, nang dahil sa isyu na iyon at pinangalandakan pang sila ang may gawa nito. Ang pangyayari ay naganap din sa kasagsagan ng bagyong Odette.

“Mariing kinukundina ng DILG ang matinding pagwawalang-bahala sa halaga ng buhay ng tao ang mga gawaing ito ng mga komunistabg-terorista. Pagpapakita ito ng kanilang maling paniniwala. Ang mga pulis at ating militar (kahit armado noon) ay hindi nasa lugar na iyon upang gumanap ng combat role. Sila ay nandun para sa disaster evacuation,” paliwanag pa ni Malaya.

“Hindi mawawala ang pagmamalasakit ng ating pamahalaan sa ating mga kababayan under pandemic man o bagyo,” ang sabi pa ni Malaya.

Malaki ang daw ang kaibahan nang gustong ipakita ng CPP-NPA-NDF kumpara sa ginagawa ng pamahalaan para sa mga nasalanta ng mga kalamidad.

“Hindi tayo titigil hanggang sa huling araw ni Pangulong Duterte na pabagsakin ang mga teroristang-komunista,” ang huling bitaw ni Malaya.