Advertisers
Nadakip ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 6 katao at pagkakatuklas ng isang drug den sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang mga nadakip na sina Christian Abad @Aba, 30; Maverick Samonte, 45; Jethro Trigueros, 21, construction worker; Vergilio Trigueros Jr., 27; Jomari Guillera, 23; at Sonny Boy Singco, 49 anyos, na pawang taga Queen’s Row East Bacoor City, Cavite.
Ayon kay PDEA Dir. Gen Wilkin Villanueva, 5:30 ng hapon ng magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng PDEA IV-A, Cavite Provincial Office at Bacoor Police Station sa Blk. 16 lot 8 Queen Row East Bacoor City, Cavite.
Narekober ng mga otoridad ang 7 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timabang na 15 grams na nagkakahalaga ng P103,500.00.
Sumasailalim ang mga suspel sa imbestigasyon at sasampahan ng kasong paglabag sa Secs. 5, 6, 7, 11, 12, at 15 Art. II ng RA 9165. (Mark Obleada)