Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 37,207 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Enero 14.
Samantala ay mayroon namang naitalang 9,027 na gumaling at 81 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.5% (265,509) ang aktibong kaso, 89.8% (2,811,188) na ang gumaling, at 1.69% (52,815) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 12, 2022 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.
Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng face mask, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)