Advertisers

Advertisers

Travel ban sa ‘red list countries’ binawi ng Pilipinas

0 39

Advertisers

BINAWI na ng Pilipinas ang travel ban sa mga biyahero na galing sa mga bansang tinaguriang “red list countries” o mga bansang may matataas na kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, magsisimula ito sa Enero 16 hanggang 31.

Kinakailangan lamang aniya na fully vaccinated laban sa COVID-19 at magpresenta ng negatibong RT-PCR test result na ginawa sa loob ng 48 oras bago umalis sa bansang pinanggalingan.

Kinakailangan ding sumailalim sa facility-based quarantine at RT-PCR COVID-19 test sa ikapitong araw.

Kinakailangang kumpletuhin ang 14 araw na quarantine sa bahay kung negatibo ang resulta ng RT-PCR COVID-19 test.

Kabilang sa mga bansang nasa red list ang: Antigua and Barbuda, Aruba, Canada, Curacao, French Guiana, Iceland, Malta, Mayotte, Mozambique, Puerto Rico, Saudi Arabia, Somalia, Spain at US Virgin Islands. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More