Advertisers

Advertisers

BBM-SARA,HIGPITAN ANG DEPENSA,’WAG MAGKUMPIYANSA

0 464

Advertisers

HIGIT pa sa inaasahan, namayagpag na nang husto ang tandem nina BBM-SARA partikular sa pulso ng masa.

Kahit na anong klaseng maitim na propaganda versus UNITEAM, lalong dumarami at siksik- liglig ang sumisimpatiya at taimtim na dumadalanging sina presidentiable Bongbong Marcos at Vice presidentiable Sara Duterte na ang mamumuno at bubuo sa bansang sumadlak sa pagkakawatak dahil sa mga kontrabidang salot na oposisyong linsiyak.

Ang kanilang tambalan ayon sa mayorya ang iginuhit ng kapalaran kaya kahit anong masamang balakid sa kanilang daan tungo sa pedestal ay di na kaya pang pigilan ang tadhana.



Kung tutuusin ay tapos na ang BOKSING and it’s all over but the counting.

Gayunpaman, gaano man katatag ang pamamayagpag lalo na sa lahat ng uri ng surveys , di dapat magpakakampante dahil sa dami ng buwitre na sisila sa napipintong tagumpay ng tambalang BBM-SARA.



Tuloy lang ang pagtupad ng misyon, higpitan ang depensa at huwag sobrang kumpiyansa.Do not lower your guards dahil di magsasawang manalasa ang salot ng masa hanggang sa huling tikada. Kaisa ng BBM-SARA ang super majority ng mga Pilipino na mulat na sa katotohanan. Alagaan ang kalamangan,tambakan ang switik na kalaban at huwag bigyan ng puwang,,, ABANGAN!!!

Hats off ang Buklod Bayang Magilas (BBM) Pilipinas sa todo suporta ng mga kaisa sa layunin para sa kapakanan ng ating mga kababayan tulad ng PINOLILINO at Perpetua Holding, Inc.



Sila rin ay kabuklod sa pagsulong sa kampanya nina frontrunning presidentiable Bongbong Marcos at vice presidentiable Sara Duterte tungo sa pagbangon ng bayan sa tulong-tulong na balikatan at kapit-bisig para sa ating mahal na bansang aangat na sa malaong hinaharap.

Saludo sa pangunguna ni Buklod Bayang Magilas Pilipinas president Rafael Tolentino at co-officers vice president Shaocai Yang, secretary Gilas Simon, treasurer Teresita Chee, director Danilo Amos,Jessielyn Fernando Melchor Reyes, Arex Anza, Enrique Gavilino, Joel Perpetua, Robert Gustilo (Region 6) , adviser Ronnie Palomares at national adviser Zeus Gonzales.

LOWCUT- Ito ang isang klasik na patunay kung bakit angat ang BBM-SARA sa poll 2022 race. Ang daming taga-Bicol ang nagpaparating ng kanilang suporta sa frontrunning tamdem nina Marcos-Duterte thru Uppercut kahit na nga ang isang kandidato sa pagke-pangulo ay isang Bicolana. Bistado daw nila ang karakas ng kanilang kababayang kandidato na wala anilang taos na hangarin para sa bayan kundi pansarili at partido lamang. Ayaw din ng mga Bicolano na sinisiraang personal at below the belt ang kalaban sa pulitika. Kaya kabilang sila sa higit 70% nagtitiwala sa kakayahang mamuno ng wagas ang isang Ilokano katuwang ang Davaoeña. Shoutout kay Msmagayon.Edna Conaco at kababayan nito sa Sorsogon at iba pang lugar Bicol region.

Greetings at best of luck kay OFW-bound Arlyn Buyan at sa gorgeous boss na si M’dam Enriquita Velasquez diyan sa Tondo,Manila.Bon Voyage in advance Ms.Arlene at all da best M’am Velasquez.