Advertisers
UMABOT sa 203 na mambabatas ang kumatig sa pagpapatibay ng House Bill 10568 o panukalang dagdag diskwento sa electricity at water bill ng mga senior citizen.
Mula sa kasalukuyang 5 percent na diskwento salig sa Expanded Senior Citizens Act ay itataas na ito sa 10 percent.
Magiging applicable ang naturang diskuwento sa unang 150kwh na konsumo sa kuryente habang sa unang 50 cubic meters naman para sa konsumo sa tubig.
Sa ngayon kasi, ang mga seniors na kumukonsumo ng 100 kwh sa kuryente at 30 cubic meters sa tubig lamang ang eligible sa discount kaya kung sumobra sa konsumo ay hindi na ito nakakakuha ng discount.
Kasama rin sa panukala na hindi sisingilin ng value added tax ang electricity bills at water bills na nakapangalan sa mga senior citizens.
Una nang sinabi ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes na makatutulong ang panukala upang mapagaan, kahit papaano, ang pasanin ng mga senior citizens lalo na ngayong may pandemiya na marami nang gastusin tulad sa kanilang kalusugan. (Henry Padilla)