Advertisers
Pinapurihan ni Manila Mayoralty candidate Atty. Alex Lopez ang pasya ng 2nd Divison ng Commission on Elections (COMELEC) na ibasura ang isa sa mga Disqualification Case laban kay presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Isang petisyon ang inihain na hinihiniling na kanselahin ang ‘certificate of candidacy (COC)’ ni Marcos dahil sa ‘tax conviction’ nito.
Sa kasong tax evasion, ikinatwiran ng 2nd Division na hindi nagbaba ng parusang ‘perpetual disqualification from holding public office, voting and participating in any election’ ang Court of Appeals laban kay Marcos.
Dahil dito, nananatiling ‘eligible’ si Marcos na tumakbo sa halalan.
Sa argumento na sinadya na lokohin o i-mislead ang publiko sa impormasyon sa kaniyang CoC, sinabi ng 2nd Division na dahil sa desisyon ng CA, walang dahilan si Marcos na i-mislead ang publiko dahil sa naniniwala siya na kuwalipikado siyang tumakbo sa halalan.
At ang kathang-isip sa pagsusulat at paghaha-ngad ng mga petitioner ng anumang hindi nakasaad sa batas ang na-ging batayan ng COMELEC 2nd division upang ibasura ang hiling na kanselahin ang CoC ng dating senador.
Sinabi ni Lopez na masyadong mababaw ang petisyon upang baluktutin ang mga pangunahing prinsipyo ng saligang batas.
Ayon kay Lopez, dapat na igalang ng publiko ang desisyon ng COMELEC dahil sumailalim na naman ito sa deliberasyon ng mga commissioner.
Mas makabubuti kung hahayaan na lamang na magdesisyon ang taumbayan sa Mayo.
Dagdag pa ni Lopez, mahabang proseso ito dahil magsusumite ng kani-kanilang mga apela ang bawat grupo hanggang sa umabot sa Korte Suprema.
Samantala, hinimok ni Lopez ang lahat na magkaisa upang matiyak ang isang malinis, patas at mapagkakatiwalaang halalan bilang kontribusyon sa pagtataguyod ng bansa para sa kinabukasan ng bawat Filipino.