Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TUWING sasapit ang Bagong Taon, hindi na bago sa mga artista na matanong tungkol sa kanilang New Year’s resolution at mga bagay na nilu-look forward nila ngayong 2022.
Pero ngayong taon, nag-iba ang perspective ng actor/director na si Ricky Davao tungkol dito ayon sa live online bloggers’ conference na Kapuso Kwentuhan noong January 5.
Guest si Ricky at kanyang co-stars sa GMA primetime series na I Can See You: AlterNate na sina Dingdong Dantes, Beauty Gonzalez, at Jackie Lou Blanco sa nasabing online blogcon na mapapanood sa official Facebook page ng GMA Network.
Pinilit ni Ricky na hindi maging emosyonal pero natural na tumulo ang kanyang luha nang magnilay tungkol sa kanyang New Year’s resolution.
Bahagi niya, “Dati nako-kornihan ako sa New Year’s resolution. Nakikisabay lang ako pero ilang years before natuloy ‘yon ‘tapos I want to lose weight, ilang years din hindi pa rin natutuloy, paunti-unti gano’n.
“Pero this past pandemic, it has taught so many things na dapat pala, and siguro ito na ‘yung pinaka-New Year’s resolution ko, is unang-una is to be thankful.
“I’m alive, we’re all alive and then that we are all blessed na we’re working, a lot of people are working so sobrang blessing, thank you, thank you talaga.”
Thankful si Ricky dahil sunud-sunod ang kanyang proyekto sa kabila ng pandemya. Sunud-sunod ang kanyang ginawang serye sa GMA at sa ibang istasyon mula noong 2020. Kabilang diyan ang katatapos lang na The World Between Us na gumanap siyang long-lost father ni Alden Richards.
Noong nakaraang linggo, nagsimula namang umere ang current series niyang I Can See You: AlterNate na reunion project nila ng kanyang dating asawa na si Jackie Lou Blanco.
Noong 2021, nagkaroon din siya ng directorial stint sa GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha.
Patuloy ni Ricky, “I am very thankful for all the blessings and gusto ko pang i-share lahat ng blessings na ‘yon and siguro as an actor and as a director, as a worker, and as a father, and as a human being, mas gagalingan ko pa.
“I will love more, I will give more, and siguro matututo ako magsabi ng ‘I love you’ to all of you. I embrace all of you and always to be thankful, to be prayerful, that taught me itong pandemic talaga, it has taught me a lot.”
Gumaganap si Ricky sa I Can See You: AlterNate bilang Lyndon, ang tyrannical at domineering adoptive father ni Nate, na ginagampanan ni Dingdong.
***
MULING ipinamalas ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix ang kanyang husay sa pag-arte bilang si Diego Garcia, isang lalaking ipinanganak na walang mga binti at may underdeveloped na mga kamay, na itinampok sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman noong Sabado, January 15.
Aminado si Miguel na na-challenge siya sa kanyang role pero nakatulong daw ang pag-intindi niya sa nararanasan ni Diego upang magampanan nang mabuti ang kuwento nito.
Dahil sa galing na ipinakita ni Miguel, mabilis na naging hot topic online ang kanyang naging acting performance. Umakyat pa sa Twitter Philippines top trending list ang #MiguelOnMPK at Miguel Tanfelix.
Umulan din ng papuri mula sa mga manood ang husay ng aktor at inilarawan siya bilang “Best Actor” ng kanyang henerasyon.
Maging sa Facebook, maraming online netizens din ang nagbigay paghanga sa aktor.
Samantala, isa rin si Miguel sa napiling mapabilang sa eight brightest stars for 2022 ng talent management arm ng GMA Network na Sparkle.
Marami na rin ang nag-aabang kay Miguel bilang si Steve Armstrong sa upcoming live-action adaptation series Voltes V: Legacy.
***
GUMAGANAP na kontrabida ang Kapuso hunk actor na si Nikki Co bilang si Jameson Chan sa GMA Primetime series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Sa pagpapatuloy ng serye, maraming manonood ang humanga sa husay sa pagganap ni Nikki kasama ang mga batikang aktres gaya nina Boots Anson-Roa, Sunshine Cruz, at Maricel Laxa-Pangilinan.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa aktor, ibinahagi ni Nikki ang mga role na gusto pa niyang gampanan at ang mga Kapuso actress na nais niyang makatrabaho.
Ayon sa aktor, pangarap niyang gumanap bilang isang serial killer o isang action hero. Pagdating naman sa usapin ng leading lady, game na sinabi ni Nikki ang kanyang napupusuang makatrabaho.
Aniya, “Marami kasing magagaling na actress sa GMA, e, ang na-experience ko pa lang po kasi na makatrabaho na parang partner ko sa eksena na babae was Kate Valdez, Bianca Umali at si Mika Dela Cruz.”
Sa mga pangalang kanyang binanggit, isang pangalan ang nanaig para sa aktor at ito ay si Bianca.
Pag-amin ni Nikki, “Feeling ko gusto kong ma-explore yung with Bianca kasi naniniwala akong isa siyang magaling na aktres, at na-try ko yung medyo intense scenes with her sa Magpakailanman so gusto ko pang ma-explore kung ano pa yung kaya naming gawin.”
Isa si Bianca sa napiling mapabilang sa eight brightest stars for 2022 ng talent management arm ng GMA Network na Sparkle.
Sa parehong panayam, ibinahagi rin ni Nikki na masaya siya na mapabilang sa pool of talents ng Sparkle.
Subaybayan ang karakter ni Nikki bilang si Jameson sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.