Advertisers

Advertisers

Joshua nakaiskor na kay Ivana

0 188

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

TRENDING ang guesting ni Joshua Garcia sa Kapamilya benefit show na “Ïsang Daan sa Pagtutulungan” para sa mga biktima ng Typhoon Odette sa Visayas at Mindanao.

Sa fund-raising event na ini-host nina Darla Sauler at Alora Sasam, sumalang sa “Truth or Dare challenge si Joshua na sinagot niya ang ilang personal na mga katanungan at kumasa sa hamon ng viewers.



Sa naturang event, nahingan din ng sampol si Joshua ng kanyang trending Tiktok dance moves.

Nagpaunlak din siya sa request ng ilang faney na kumanta na naipakita niya ang kanyang galing sa paggigitara.

Sa comments section naman, maraming netizens ang nang-uurot kay Joshua tungkol sa mga babaeng iniuugnay sa kanya tulad nina Charlie Dizon, Jane de Leon at Ivana Alawi.

Natanong din si Joshua tungkol kay Ivana na umamin noong “crush”ang actor.

Ani Joshua, nag-uusap daw sila ni Ivana at posibleng magkaroon ng collaboration.

Isa rin sa naging hamon sa kanya ay ang i-prank ang sexy YouTuber.



Marami naman ang kinilig sa ginawang prank ng “Viral Scandal” actor kay Ivana.

Sa prank, tinawagan nito si Ivana at dedmang nagtanong kung bakit ito tumawag sa kanya gayong siya naman itong unang nag-initiate ng call.

Bagama’t natulaley si Ivana, nakipagsabayan lang ito sa pambubulabog ni Joshua.

Kilig to the max naman sina Darla at Alora sa naging conversation ng dalawa.

Pinatanong din ni Darla sa aktres kung si Joshua ba ang tipong “jojowain o trotropahin” nito.

“Secret” lang ang naisagot ni Ivana sa phone conversation nila ni Joshua.

Sa bandang huli, nag-wish si Joshua na sana ay gumaling na ang tinaguriang pantasya ng bayan na kasalukuyang nagpapagaling dahil nagpositibo sa Covid-19.

Hirit naman ng kibitzers, naka-iskor daw si Joshua kay Ivana dahil naka-first base na ito sa pagkatok sa puso ng dalaga.

Katunayan, kung liligawan daw nito ang Fil-Moroccan beauty ay walang dudang malaki ang tsansa nitong masungkit ang matamis na “oo” ng aktres.