Advertisers

Advertisers

Mga pharmacist na Covid-19 vaccinators pinabibigyan din ng SRA

0 118

Advertisers

IKINATUWA ni Senador Joel Villanueva ang hakbang ng gobyerno na gawin ding vaccination sites ang ilang piling botika kung saan mga pharmacist ang magtuturok ng bakuna.

Naniniwala ang senador na mainam itong paraan upang maiangat ang bilang ng bakunadong mamamayan laban sa COVID-19.

Kaugnay nito ay hiniling ni Villanueva na mabigyan din ng benepisyo ang mga nagtatrabaho sa mga pribadong botika na magsisimula nang magbakuna kontra COVID-19.



Giit ng senador, katulad ng mga healthcare workers ay dapat ding tumanggap ang mga magbabakunang pharmacist ng Special Risk Allowance o SRA at iba pang benepisyo sa ilalim ng 2022 national budget at iba pang mga kaugnay na batas.

Punto ng opisyal, kapag sila ay tinamaan ng COVID habang nagbabakuna, dapat din ay may free medical care sila at monetary compensation.

Tinukoy ni Villanueva ang nakasaad sa 2022 General Appropriation Act na ang healthcare workers na tatamaan ng COVID-19 habang on duty ay makakatanggap ng P15,000 bilang compensation para sa mild o moderate cases, P100,000 para sa severe o critical at P1 million kung ikakamatay ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More