Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila’y nararapat sa parusa…” (Roma 13:2, Ang Tanging Daan Bibliya).
-ooo-
CARPIO AT ISAMBAYAN, MAY LAYONG PABAGSAKIN ANG GOBYERNO, AYON SA ABOGADO NI BONGBONG MARCOS: Layuning pabagsakin ang demokratikong gobyerno ng Pilipinas ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio at ng 1Sambayan, ang grupong kaniyang pinamumunuan na pangunahing sumusuporta sa ngayon sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.
Ito ay magaganap sa pakikipagtulungan ng mga rebeldeng maka-kaliwa, ayon kay Atty. George Briones, ang general counsel ng Partido Federal ng Pilipinas, ang Partido namn ni Ferdinand Marcos Jr.
Si Marcos Jr., na kilala ngayon bilang si BBM, ay ang kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas sa pagka-pangulo sa Halalan 2022 na nangunguna sa lahat ng surveys sa buong Pilipinas.
Sa panayam ni Atty. George Briones sa Kakampi Mo Ang Batas noong Miyerkules, Enero 19, 2022, sinabi niyang si Carpio, at si Atty. Theodore Teh, ang abogadong tumatayong legal counsel ng mga grupong nagsampa ng kasong disqualification laban kay Marcos sa Comelec, ay “nakasama na nila yung mga kaliwa, yung mga komunista…”
Idinagdag ni Atty. George Briones sa Kakampi Mo Ang Batas na noong Enero 19, 2022, “alam niyo po ba ang ginagawa ngayon ng NPA (New Peoples’ Army) ngayong araw na ito? Hinarass po yung ating mga kasamahan sa Northern Samar. Pati na po yung PNP (Philippine National Police) hinarass din ng NPA.
-ooo-
“LENI ROBREDO, SINUNGALING”: ATTY. GEORGE BRIONES, GENERAL COUNSEL NG PARTIDO NI MARCOS: Idinagdag din ni Briones: “Bakit po? Kasi po, yang NPA, sinusuportahan si Leni Robredo. Magkakasama yang lahat na yan—yang mga 1Sambayan na yan, gusto po nila ibagsak ang gobyerno. Hindi titigil ang mga taong ito. Hindi po ba tayo kinakabahan sa mga tao na yan?”
Sa pananaw ni Atty. Briones, hindi titigil sa kanilang “malevolent” na layunin ang mga tao at mga grupong kalaban ni Marcos. Binatikos din ni Atty. Briones ang kandidatong sinusuportahan nina Carpio at ng kaniyang 1Sambayan, at maging ng NPA, si Vice President Leni Robredo, at sinabing ito ay sinungaling.
Sa pananaw ni Atty. George Briones, sinungaling diumano si Leni “Kasi sabi niya, balewala daw sa kaniya ang desisyon (ng Second Divison ng Comelec na nagbasura ng disqualification case laban kay BBM), dahil ang gusto niya, talunin niya si Marcos sa election…”
“… Eh kung honest po siya sa kaniyang statement, ang dapat niyang sabihin, tatalunin ko muna si Isko Moreno. Kasi ngayon, number 3 po siya (si Leni), at nag-aagawan sila ni Isko Moreno sa number 2. Kaya ang sabihin niya (si Leni), kung talagang hindi siya nagsisinungaling, na hindi siya tatamaan ng kidlat, na kamukha siya ng mga abogado na yan na sinungaling, eh siya, naglalaban lang sila ni Isko Moreno,” dagdag ng abogado.
-ooo-
WALANG KRIMEN NA NAGAWA SI MARCOS SA ILALIM NG MGA BATAS, KAYA DI SIYA PUWEDENG PIGILAN SA PAGTAKBONG PANGULO SA HALALAN 2022: “… Yun po ang tunay, at yun ang katotohanan. Number 3 lang po siya eh. Eh biro niyo kung magsalita, baka bukas sabihin nito, siya na ang leading sa survey natin eh, sa kasinungalingan po ng mga grupo na ito…” puna ni Atty. Briones.
Samantala, sa iba pang bahagi ng panayam kay Atty. Briones ng Kakampi Mo Ang Batas, inupakan din niya si Associate Justice Antonio Carpio, sa pagsasabing “hatred” o pagkagalit o pagkamuhi ang dahilan kaya ito nambabatikos laban kay Marcos.
Ayon kay Atty. Briones, hindi niya maunawaan ang pagpupumilit ni Carpio sa sinasabi nitong “certified convict” si Marcos dahil sa kasong hindi pagsusumite ng income tax returns.
Pagdidiin ng abogado ng Partido Federal ng Pilipinas, noon pang 2008, nagkaroon na ng batas sa Pilipinas na nagsasabing hindi na itinuturing na krimen ang hindi pagsusumite ng income tax returns.
Sabi ni Briones, 2022 na ngayon, at wala ng dahilan pa kung bakit ipinagpapatuloy ni Carpio ang pagsasabing nasentensiyahan si Marcos ng isang krimen, gayon noon pa man, hindi na nga krimen ang ganitong sitwasyon.
Galit ang dahilan kaya ipinagpipilitan ni Carpio na “certified convict” si Marcos kahit wala ng batas ang nagsasabing may krimen si Marcos, dagdag ni Briones.
-ooo-
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.