Advertisers

Advertisers

#MarcosDuwag nag-trending

0 521

Advertisers

DALAWAMPU’T apat na oras (24) nag-trending ang #MarcosDuwag sa social media kamakailan matapos umatras si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panayam ng award-winning journalist na si Jessica Soho sa GMA-7.

Kabilang sa nagpaunlak sina Vice President Leni Robredo, Senador Panfilo Lacson, Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno. Ang interview ay ipinalabas Sabado ng gabi sa GMA Network.

Dahil sa pag-atras ni Bongbong, nag-trending sa social media ang hashtag #MarcosDuwag.



Inulan din ng batikos si Marcos mula sa mga netizen, na nagsabing paano magagampanan ni Marcos ang tungkulin ng isang pangulo kung sa simpleng interview lang ay hindi niya magawang dumalo.

Para naman sa iba, mas mahalaga kay Marcos ang dumalo sa binyag at kasal kaysa ilahad sa taumbayan ang kanyang mga plano at programa para sa bansa.

Sinabi pa nila na ayaw magisa ni Bongbong ukol sa mga isyu ng kanyang pamilya, pati na ang fake news na pinakakalat ng kanyang mga tagasuporta sa social media.

Pinuri naman ng iba pang netizens sina Robredo, Lacson, Pacquiao at Moreno na tinanggap ang hamon na magisa sa pagtatanong ni Soho.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">