Advertisers

Advertisers

Covid update: 17,677 bagong kaso; 33,144 gumaling; 79 nasawi

0 274

Advertisers

NAKAPAGTALA na lamang ang Department of Health (DOH) ng 17,677 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Martes, Enero 25.

Samantala ay mayroon namang naitalang 33,144 na gumaling at 79 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.2% (247,451) ang aktibong kaso, 91.3% (3,158,597) na ang gumaling, at 1.55% (53,598) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 23, 2022 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 0.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)