Advertisers

Advertisers

‘Mark Anthony Fernandez’ lover ni Misis patay kay Mister

0 458

Advertisers

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang lalaki na kapangalan ng artista nang pagbabarilin ng security guard sa Cagayan de Oro, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mark Anthony Fernandez, nasa hustong gulang at residente sa Purok 6, Sitio Baloy, Brgy Tablon ng naturang lungsod.

Nadakip naman ang salarin na si Edwin Molejon, 47 anyos, at nakatira sa nasabing lugar.



Batay sa report ng CDO-PNP, naglalakad ang biktima sa labas ng bahay nito ng bigla na lamang siyang pinagbabaril ni Molejon gamit ang .38 caliber revolver.

Tinamaan ang biktima sa likod na tumagos sa dibdib na naging sanhi ng agaran kamatayan nito.



Sa ulat, selos ang motibo sa krimen sa hinalang may relasyon umano ang biktima sa asawa ng salarin.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay si Molejon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">