Advertisers

Advertisers

P1M shabu nasabat sa Pampanga

0 159

Advertisers

Nasabat ang nasa P1 milyong shabu sa dalawang araw na buy-bust operation sa Pampanga habang 11 ang naaresto, batay sa Police Regional Office 3.

Sa ulat, naaresto ng Pampanga police ang walong suspek at tatlo naman sa Angeles City mula Enero 26 hanggang 27.

Habang tiklo naman sa Dau village si Alfredo Segundo Jr., 30; at John Mar Palencia, 29 sa shabung nagkakahalaga ng P374,000.



Huli rin sa Santa Maria ang mga suspek na sina Nomer Rivera, 49; Ervino Torres, 44; Jeffrey Nicdao, 31; Bryan Kate Gundayao, 20; at Jorey Cauguiran, 44 na nakuhanan ng P102,000 halaga ng shabu.

Naaresto rin ng San Fernando City at provincial police si Amina Carsada, 43 na nakuhanan ng 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000 sa Telabastagan village.

Hindi rin nakalusot sa Angeles City sina Louie Langamon, 40; Mark Laurence Sampang, 28; atLorence Alexis Manalastas, 27 na nakuhanan ng P68,000 halaga ng shabu.

Mahaharap naman ang lahat ng naaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More