Advertisers
SINABI ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) nitong Linggo na nasa 65.6% na ng mga kabataang nagkaka-edad ng 12-17 years old ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Ito’y mula noong Nobyembre 2021 kung kailan sinimulan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination sa mga kabataang kabilang sa naturang age group.
“We are happy to report na maganda naman ang coverage natin sa ating rest of pediatric population,” ayon kay Health Undersecretary at National Vaccines Operation Center (NVOC) head Myrna Cabotaje, sa panayam sa radyo.
“Naka-77 percent na tayo ng first dose so 8.8 million out of 11.4 million, tapos mga 65.6 percent na rin ang ating second doses,” aniya pa.
Sinabi naman ni Cabotaje na sa mga batang may comorbidity, nasa 23% pa lamang o 299,000, mula sa kabuuang 1.2 milyon, ang fully vaccinated na dahil nag-aatubili ang kanilang mga magulang na pabakunahan sila dahil sa kanilang karamdaman. (Andi Garcia)