Advertisers

Advertisers

4 patay sa nahulog na van sa pampang

0 214

Advertisers

Nasawi ang apat na katao nang mahulog ang sinasakyang van sa pampang ng Purok 2, Barangay de Oro sa Butuan City nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Michael Abab, at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlo iba pa.

Ayon sa Butuan police, bi-nabaybay ng van na may sakay na 12 katao ang national highway nang mawalan ng kontrol ang driver, dahilan para tumama sila sa steel barrier at mahulog sa pampang.



Sugatan sa aksidente ang walo pang sakay ng van na pawang LGU employees.

Ayon sa pulisya, galing Cagwait, Surigao del Sur ang mga sakay ng van at papunta silang Butuan nang mangyari ang aksidente.

Ayon naman sa isa sa mga pasaherong si Pastor Simanes Jr., na mula sila sa bayan ng Cagwait, Surigao del Sur at mga empleyado sila ng local government unit para sana sa opisyal na lakad nila sa Butuan.

Ngunit dahil sa madulas na daan dulot ng patuloy na pag-ulan, hindi na nakontrol pa ng driver ang manibela kaya dumiretso na ito sa railing hanggang sa tuluyang nahulog sa ilog ang Toyota Hi-Ace van.

Napag-alamang 5:00 ng ma-daling araw nang umalis ang mga biktima sa kanilang bayan pa-punta sa nasabing lungsod.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">