Advertisers
TINIYAK ng mga residente ng maralitang lungsod ng National Government Center (NGC) Control Zone sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City na si Leni Robredo lamang ang may malinaw at seryosong tugon sa suliranin ng katiyakan sa paninirahan ng mga Maralitang Taga lungsod.
Ayon kay Leonida P. Esguera Presidente ng Koalisyon ng mga Organisadong Samahan ng Maralitang Tagalunsod (KOSMAT-NGC) napapanahon na para tugunan ang matiyak ang paninirahan ng mga maralitang taga lungsod.
Sinabi pa ni Esguera na siya lamang ang may malinaw at seryosong tugon sa suliranin ng katiyakan sa paninirahan ng mga Maralitang Taga lungsod.
Ayon pa sa naturang lider na daan daang residente ng Natinal Government Cnter (NGC) Control Zone ang mananawagan ng kapayapaan sa darating na election sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, QC para suportahan ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo.
Nakasuot ng Pink na tshirt upang suportahan ang pangalawang pangulo sa kanyang adhikain para sa pagtakbo bilang Pangulo.
“Pagod na kami sa paulit-ulit na pangako at pag gamit sa amin ng mga traditional na pulitiko, kayat nanawagan kami sa aming mga kapwa maralita at sa lahat ng mamamayan, ang may pusong maralita,” ayon kay Esquera. (Boy Celario)