Advertisers

Advertisers

Katunggali ni Isko, bibigyan ng posisyon sa Moreno admin.

0 220

Advertisers

Bukas si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno Domagoso sa sinuman na gustong tumulong sa pamahalaan sa sandaling palaring manalo sa May 2022 elections.

Giit ni Moreno, kahit katunggali pa ito basta gustong tumulong sa pagpapatakbo ng pamahalaan, handa niyang bigyan ng posisyon.

Ayon kay Moreno “Two heads are better than one… lahat aniya, puwede siyang tulungan basta ba gusto talaga ng mga ito na maglingkod sa bansa.”



Giit ni Moreno, na kaya niyang makipagtrabaho kahit kanino man maging sa pribadong sektor.

Samantala, sinabi ni Moreno na meron tinatawag na silent majority at maraming botante ang tumatawid bakod.

Ito ‘yung mga Pilipino na ayaw ilabas ang kanilang sentimyento sa mga social media platforms dahil sa nangyayaring bangayan doon.

Aniya, talagang nagbago ang PULSO ng bayan.

Pero panawagan ni Moreno sa silent majority bagama’t grateful siya, pwede rin silang suportahan sa pamamagitan ng pagsasapubliko na siya ang kanilang iboboto.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">