Advertisers
Naaresto ang limang katao kabilang ang 4 na shabu dealer sa entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-12, sa General Santos.
Kinilala ang mga naaresto na sina drug den owner Brad Joshua del Rosario, 26; Zipporah Reyes, 26; Giselle Abacacial, 20; Francis John Faeldonia Chong, 30, at Jasper Cadeliña, 25, na nasa kustodya ng PDEA-12, at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso.
Ayon kay Naravy Duquiatan, director of PDEA-12, nakakumpiska ang kanyang mga tauhan ng P74,000 halaga ng shabu noong Martes.
Sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isang buy-bust operation nang bentahan nito ang mga nagpanggap na buyer na ahente ng PDEA-12 noong katanghaliang tapat sa Superville Subdivision in Purok 31, Barangay Lagao ng lungsod.
Ang limang naaresto kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165, na kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.