Advertisers

Advertisers

Bebot huli sa binitbit na P6.8M shabu

0 467

Advertisers

Tinutunton ng pulisya ang posibleng supplier ng droga ng 43-anyos na babae na nahulihan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa Barangay Alang-Alang sa Mandaue City noong Sabado ng madaling araw, Pebrero 12, 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Franc Oriol, city deputy director for operations ng Mandaue City Police Office (MCPO), ang babaeng suspek na si Joylyn Andamon, 43, residente ng Sitio Villa Zacate, Barangay Basak-Pardo sa Cebu City.

Nakumpiska ng mga operatiba ng intelligence unit ng lungsod ang isang kilo ng shabu kay Andamon na may tinatayang P6.8 milyon halaga.



Idinagdag ni Oriol na kasama si Andamon sa kanilang listahan ng mga high-value target sa iligal na droga

Napag-alam na hindi lamang sa Mandaue City ang operasyon ni Andamon kundi maging sa Lapu-Lapu City, Cebu City, at ilang lugar sa lalawigan ng Cebu.

Kwento ni Andamon na nagsimula siyang magbenta ng maliliit na volume ng shabu hanggang sa unti-unti niyang naibenta ang mas maraming bulto ng droga.

Dagdag pa ni Oriol, mahigit isang taon nang nasa kalakalan ng iligal na droga si Andamon at maaaring nakabebebta ng hindi bababa sa isang kilo ng shabu kada linggo.

Ibinunyag ng pulis na hindi pa nila matukoy ang background ng suspek.



Batay sa kanilang mga naunang operasyon at patuloy na monitoring, sinabi ni Oriol na karamihan sa mga naarestong suspek mula sa ibang lugar at sa Mandaue City lamang nakikipagtransaksyon.