Advertisers

Advertisers

Senglot na pulis namaril ng stude

0 469

Advertisers

Patuloy pang inoobserbahan sa ospital ang isang estudyante nang sa hindi pa malamang dahilan binaril ng lasing na pulis ang sinasakyang GrabCar nito sa Quezon City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Senglot, 22, binata, estudyante ng CIIT – Kamuning Campus, at residente ng Barangay Sienna, QC.

At ang salarin na pulis kinilalang si P/Cpl. Reymark Romano Rigor, 28, binata, nakatalaga sa Kamuning Police Station ng Quezon City Police District at naninirahan sa Brgy. Batasan Hills, QC.



Sa report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng (CIDU), 9:47 Pebrero 8 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa Scout Rallos Ext., Brgy. Sacred Heart, sa lungsod.

Ayon kay P/SSg. Alvin Quisumbing, imbestigador ng CIDU, sakay ng GrabCar ang biktima nang harangan ng motorsiklo na sinasakyan ng senglot na pulis ang daraanan nito.

Agad bumaba si Rigor sa motorsiklo at sa hindi malamang dahilan lumapit sa biktimang estudyante saka tinutukan ng kalibre .9mm na baril.

Pero tila nag-alinlangan si Rigor at bumalik sa kaniyang motorsiklo saka mabilis na pinaharurot subali’t minalas na matumba sa gitna ng kalsada.

Kaya sa halip na dumiretso ang sinasakyang GrabCar, sinabihan ni Castor na humanap na lang sila ng ibang ruta upang iwasan ang lugar kung saan natumba ang motorsiklo ng pulis.



Subali’t habang nag-u-u-turn ang kotse, dahan-dahang tumayo ang pulis saka pinaputukan ang sasakyan at tinamaan ang biktima sa dibdib.

Agad tumakas si Rigor habang isinugod si Castor sa East Avenue Medical Center kung saan ito isinailalim sa operasyon. Sa surgical operation sa estudyante, sinabi ni Dr. Adel Karlo Barilisan na nakakuha sila ng isang bala sa dibdib ng biktima.

Samantala, nitong Biyernes sumuko si P/Cpl. Rigor sa kaniyang mga supervisor at itinurn-over ang kaniyang service firearm.

Nakapiit na ang pulis na tumangging magsalita sa motibo ng pamamaril sa sibilyan.