Panawagan ni Isko sa mga Pinoy: “Let us spread love”
Advertisers
NANAWAGAN si Presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng mga Filipino na palaganapin ang pagmamahal simula sa sarili, pamilya, kapwa tao at sa bayan. Ang panawagan ay kaugnay ng pagdirieang ng Valentine’s Day.
Sinabi ni Moreno, na tumatakbo bilang Pangulo sa ilalim ng Aksyon Demokratiko Party, na ang pagpapalaganap ng pagmamahal ay hindi lamang dapat tuwing Valentine’s Day at hindi rin dapat lang sa kanya-kanyang romantic partners.
Binigyang diin ni Moreno na ang pagmamahal ay dapat na manatili Valentine’s Day o hindi. Binanggit pa ng alkalde na maipapakita ng mga Filipino ang kanilang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagboto sa araw ng halalan sa pamamagitan ng pagpili mg magiging lider ng bansa sa loob ng anim na taon.
Sinabi ni Moreno na inaalok niya ang kanyang sarili bilang pinakamahusay na alternatibo at binigyan diin nito na ang pagtakbo ay hindi lamang base sa mga pangako kundi base sa mga bagay na naisagawa na tulad ng ginawa niya sa Maynila. At ito ang nais niyang maranasan ng buong bansa.
Ilan sa mga bagay na kanyang naisagawa na ay ang mga probisyon tulad ng mga libreng serbisyo sa pagtugin sa COVID-19 gaya ng libreng life-saving medicines, swab tests at hospital care; massive housing programs; libreng gadgets at internet; food security program para 700,000 pamilya at pagpapaunlad ng mga eskwelahan at ospital.
Sabay sa pagpapahayag ng kanyang Valentine’s greetings sa lahat ng Filipino, sinabi ni Moreno na:“Let us spread the love…pagmamahal sa pangkalahatan. Pagmamahal sa mahirap, pagmamahal sa middle class, pagmamahal sa mayaman, pagmamahal sa pamilya, pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa siyudad, pagmamahal sa bansa.”
Idinagdag pa niya na: “Sana, ‘yan ang maging tema ng Valentine’s Day at kung sakali naman, iniwan ka ng dyowa mo, ang payo ko sa ‘yo, move on.”
Ayon kay Moreno, ang espesyal na araw ay hindi dapat para lamang sa mga romantic partner, bagamat nakakatulong ito para may magsilbing inspirasyon
Sinabi niya na: “I want you to feel good about yourselves. Always it is his or her or loss not yours. You are an important person..an important human being.. an important part of society. Always value yourself.”
Idinagdag pa ng alkalde na: “All u have to do is look at the mirror and say, “maganda ako.. pinag–aagawan ako may asim ako” and feel good about yourselves. If you have dat kind of mindset, you will be happier.
“True, you need someone to inspire you, maybe a partner, but if that somebody left you, there’s more in front of you. Sabi nga ng anak ko, there are so many fishes in the ocean.. mamingwit ka,” sabi pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)