Advertisers

Advertisers

Kalalayang ‘ex-Army’ balik-selda sa armas, nang-agaw ng bisikleta

0 404

Advertisers

Ibinalibag sa selda ang isang lalaking nagpakilalang dating kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nang makuhaan ng baril nang masukol sa Commission on Elections (Comelec) checkpoint nang mang-agaw ng bisikleta sa Valenzuela City.

Haharap sa kasong Robbery with Threat and Intimidation, paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions, at paglabag sa Ban on Carrying Firearms and other Deadly Weapons during Election Period si Gerardo L. Patio, alyas “Gary”, 52, ng Malolos City, Bulacan.

Nakabantay sa checkpoint ang mga parak madaling-araw ng Pebrero 13 nang maispatang hinahabol ng isang lalaki ang nagbibisikletang si Patio patungo sa ng checkpoint habang nagsisigaw ang humahabol na “Magnanakaw, magnanakaw, may baril, may baril!”



Nakihabol ang mga pulis sa checkpoint at nahuli Patio, at napag-alamang ang pinepedal nitong bisikleta sa humahabol na si Robin Dacanay, 21, carwash boy, ng Marulas, Valenzuela.

Maliban dito, nang kapkapan si Patio ay nakuhanan ito ng kalibre .38 na may lamang tatlong bala na walang dokumento at isang kutsilyo.

Sa imbestigasyon, ibinida pa ng dinakip na dati siyang sundalo ngunit sinibak sa tungkulin noong 2000.

Inamin din ng suspek na nakulong ito sa pagbebenta ng iligal na droga noong taong 2016 at nakalaya lamang taong 2021.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">