Advertisers

Advertisers

Covid update: 2,671 bagong kaso; 6,130 gumaling; 77 nasawi

0 182

Advertisers

NASA mahigit 68,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng 2,671 bagong kaso nitong Miyerkules, Pebrero 16.

Ito ang ikalawang sunod na araw na nakapagtala ang DOH ng new COVID-19 cases na mahigit 2,000 lamang.

Bahagya naman itong mataas kumpara sa sa 2,010 lamang na naitalang bagong kaso ng COVID-19 noong Martes, Pebrero 15.



Batay sa case bulletin #704, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 3,644,597 ang COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang bilang, 1.9% na lamang o 68,829 ang aktibong kaso, o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Karamihan naman sa mga aktibong kaso ay nakakaranas lamang ng mild symptoms, na nasa 63,037 habang 1,130 naman ang asymptomatic o walang anumang sintomas ng sakit na nararanasan.

Samantala, 2,920 naman ang moderate cases, 1,433 ang severe cases at 309 ang kritikal.

Mayroon din namang 6,130 pang pasyente ang iniulat na gumaling na rin sa sakit.
Sanhi nito, umaabot na ngayon sa 3,520,545 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.6% ng total cases.



Mayroon din namang 77 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Sa kabuuan, ang Pilipinas ay mayroon nang 55,223 COVID-19 deaths o 1.52% ng total cases. (Andi Garcia)