Advertisers

Advertisers

‘Oplan Baklas’ ng campaign posters sinimulan na ng Comelec

0 285

Advertisers

SINIMULAN na ng Commission of Elections (Comelec) ang Oplan Baklas para sa mga campaign posters na hindi alinsunod sa guidelines.

Base sa Comelec Resolution 10730, pinayagan ang mga campaign poster subalit 2×3 lamang ang size nito at dapat din ikabit sa mga designated common poster areas.

Dapat din nakalagay sa poster kung sino ang nagpa-print nito.



Pinapayagan din ang. 3×8 size ng poster kung ikakabit sa campaign headquarters.

Kahapon ay magkakahiwalay na operasyon ng Oplan Baklas ang inilunsad ng Comelec sa pangunguna ni Atty. Gregorio Bonifacio.

Aniya, gagamiting ebidensya laban sa mga pulitiko ang mga binaklas na poster.

May ilang kandidato na rin umano ang binigyan ng sulat hinggil sa paglabag sa Comelec Resolution 10730. (Jonah Mallari)