Advertisers
NAGPASALAMAT sa isa’t isa sina presidential aspirant Sen. Ping Lacson at Kris Aquino sa magagandang pahayag nila patungkol sa namayapang dating pangulong Noynoy Aquino.
“I’d like to personally thank Sen. Ping Lacson for making me feeling good yet also further enlightened,” sey ni Kris.
Nasabi ito ni Kris nang makarating sa kanya ang sinabi ni Ping na isa ang kapatid niyang si Noynoy sa mga naging pangulo na hindi kurakot.
Matatandaang isa ang Partido Reporma standard bearer sa mga bumati kay Kris noong kaarawan nito nung Araw ng mga Puso.
“Happy birthday, Kris! Maraming salamat sa kind words mo sa iyong Instagram post. I pray for your health and happiness,” mensahe ni Lacson sa Queen of all Media.
Nagpasalamat din si Ping sa pahayag ni Kris noong purihin ng una ang kanyang kuya.
“I thank Kris back for posting this on IG. Since it was a quick Q&A from Jessica, my reply came straight from the heart,” ani Lacson.
“Every word was meant. Truth is the only thing we do not need to memorize,” anya pa.
Samantala, nakiusap naman si Kris sa kanyang mga kaibigan at follower na huwag na siyang regaluhan at magbigay na lang sa mga nangangailangan. (BKC)