Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 2,232 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Pebrero 18.
Samantala ay mayroon namang naitalang 3,010 na gumaling at 79 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.8% (65,796) ang aktibong kaso, 96.7% (3,527,720) na ang gumaling, at 1.52% (55,409) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 16, 2022 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.0% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Josephine Patricio)