Advertisers

Advertisers

BONG GO: ALERT LEVEL 1, MASUSING ARALIN

0 421

Advertisers

HINIMOK ni Senator at Senate Committee on Health chair Christopher “Bong” Go ang gobyerno na masusing pag-aralan ang iminungkahing pagbaba ng Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa sa COVID-19 Alert Level 1.

Sa isang pahayag, ipinaalala ni Go ang mga aral na natutunan sa paglaban ng bansa sa pandemya.

Binanggit niya kung paano patuloy na bumababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 habang patuloy ang gobyerno sa pagsisikap na palakasin ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan, gayundin sa pagtiyak ng accessibility ng mga bakuna sa publiko.



“Marami na tayong natutunan at nalampasan ang mga pagsubok sa ating pakikipaglaban sa pandemya sa nakalipas na dalawang taon. Patuloy na bumababa ang mga kaso ng COVID-19 at tumataas naman ang bilang ng mga bakunado sa bansa,” ani Go.

“Kasabay rin nito ang walang tigil na pagpapalakas ng kakayahan ng ating healthcare system upang maging mas accessible sa lahat ng nangyayari at mas handa sa anumang krisis na maaaring dumating pa,” aniya pa.

Ngunit sa kabila ng malalaking tagumpay na ito, ipinaalala ng senador sa publiko na huwag maging kampante habang nananatili ang banta ng virus.

Ani Go, huwag muna dapat maging kumpiyansa sa pagsasabing delikado pa rin ang panahon hanggang may banta pa ng COVID-19.

“Kaya mahalaga na mapag-aralan nang mabuti ang dahan-dahang pagluluwag at pagbaba sa Alert Level 1 lalo na sa Metro Manila,” iginiit ni Go.



Ang COVID-19 Alert Level 2 ay may bisa sa Metro Manila hanggang Pebrero 28. Sumasang-ayon ang ilang eksperto sa kalusugan at ang business community na ang status ng National Capital Region ay dapat nang ibaba sa Alert Level 1.

Isasaalang-alang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ayon sa Department of Health, ang pagbabalik sa Alert Level 1 sa katapusan ng Pebrero.

Kasunod nito, sinabi ng DOH na ang mga Pilipino ay kailangang “mag-move on na at mabuhay kasama ang virus.”

Muling hiniling ni Go sa mga awtoridad na siguruhin ang pagpapatupad ng health protocols upang maprotektahan ang publiko.

Hinikayat din niya ang bawat Pilipino na manatiling disiplinado habang unti-unting lumilipat ang bansa sa bagong normal.

“Siguraduhin natin na nakalatag na ang mga patakarang kailangan para masigurong ligtas ang mga komunidad. Manatili po tayong disiplinado ngayong unti-unti nang nagbabalik sa normal ang ating pamumuhay. Alalahanin po natin na pinakaimportante ang buhay ng bawat Pilipino,” ayon sa mambabatas.