Advertisers

Advertisers

Drag rice binulaga ng multicab: 3 sugatan

0 170

Advertisers

Sugatan ang tatlong rider sa drag race nang may biglang sumulpot na multicab sa national highway na ginawa nilang race track sa Tagum City.

Sa ulat, ipinakita ang viral video na naka-upload sa social media sa nangyaring aksidente sa national highway sa bahagi ng Barangay Canocotan sa Tagum City, Davao del Norte.

Sa video, makikita ang multicab na nag-left turn at tumawid sa national highway. Makikita naman sa ‘di kalayuan ang mga ilaw mula sa mga paparating na motorsiklo na nagkakarerahan umano patungo sa kaparehong direksyon ng multicab.



Dahil sa bilis ng takbo ng mga motorsiklo, inabutan nila ang multicab na halos hindi pa tuluyang nakatatawid sa pagliko sa highway.

Sumagi ang isang motorsiklo sa hulihang bahagi ng multicab na dahilan para ito sumemplang, at pati na ang dalawang sumusunod sa kaniyang motorsiklo.

Dalawa sa tatlong rider na naaksidente ang dinala sa ospital. Habang tumakas naman ang isa pang rider matapos na mabigyan ng paunang lunas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing nangyari ang insidente noong Lunes 11:00 ng gabi.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jay Dema-Ala, hepe Tagum city Police, plano umano ng driver ng multicab na sampahan ng reklamo ang mga rider.



Lumitaw din sa imbestigasyon na walang lisensiya ang mga rider at walang rehistrado ang mga motorsiklo.

“Base sa ating nahuli, sa mga natanong natin, parang mga barka-barkada lang.

Nagpapagandahan lang, nagyayabangan lang sa mga motor nila. Ang pustahan nila minsan P200-P300 ganun lang,” ayon kay Dema-Ala.