Advertisers

Advertisers

LITO, RAMBO, JESS at BOMBAY: Illegal gambling operators sa Rizal na protektado ng PNP at LGU?

0 283

Advertisers

HAYOPS sa taas ng lakas ng mga loob at mukha ng illegal gambling operators sa Antipolo, Binangonan, Taytay at Montalban/Rodriguez na lahat bahagi ng lalawigan ng Rizal.

Ito’y kahit iligal ang drop ball at color game ay lantarang gumagana.

Pokaragat na ‘yan!



Walang pakialam sina alyas “Lito” ng Antipolo, alyas “Rambo” ng Binangonan, alyas “Jess” ng Taytay at alyas “Bombay” ng Montalban/Rodriguez kahit magkumpulan at magdikit-dikit ang mga tao sa pagtaya sa kani-kanilang puwesto.

Ang mahalaga sa kanila kasi ay kumita nang kumita araw-araw dahil ‘yan ang gustong mangyari ng mga pinansiyer nila.

Hindi maliitan ang kita sa drop ball at color game dahil ayon sa mga impormante ng BIGWAS! ay umaabot ito sa P50,000 araw-araw kapag ‘maliit’ ang puwesto at ‘di bababa sa P100,000 kapag malalaki na mistulang “mini-casino” ang operasyon.

Pokaragat na ‘yan!

Asahan nanghigit na mamamayagpag ang mga iligal na pasugalang pinopostehan nina alyas Lito, alyas Rambo, alyas Jess at alyas Bombay simula Marso 1 dahil sobrang luwag na sa alert level 1 ng ating istatus sa gitna ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).



Ipinunto ng ilang impormante na “malaki ang posibilidad” na mayroong mga opisyal sa Philippine National Police) at local government units (LGUs) ang nagpoprotekta sa kanilang mga iligal na pasugalan.

Siyempre, mayroong tara bilang ‘pampabusog’ at ‘pampatalino’.

Pokaragat na ‘yan!

Imposible namang wala , samantalang pawang mga beteranong illegal gambling operator sina alyas Lito, alyas Ramboo , alyas Jess at alyas Bombay.

Hanggang ngayon hindi natitigil ang negosyo nilang drop ball at color game na kahit saang anggulo tingnan ay tahasang labag sa batas.

Ang puwesto ni alyas Lito ay makikita malapit sa gadolinahan na ilang lakad lamang sa simbahan ng Antipolo.

Hayop na ‘yan, malapit sa simbahan.

Ang puwesto ni alyas Rambo sa Binangonan ay matatagpuan sa national highway sa Barangay Macamot.

Nakatayo naman ang iligal na pasugalan ni alyas Jess M dikit ng barangay hall ng Barangay Muzon sa Taytay.

Pokaragat na ‘yan!

Dikit ng pamahalaang barangay?!

Ngunit, hindi padadaig ang puwesto ni alyas Bombay sa Barangay Kasiglahan Montalban dahil maliban sa malapit sa palengke at sub-station ng PNP.

Pokaragat na ‘yan.

MARISSA at LIWAY sa Monumento, Caloocan

ITINIMBRE ng impormante ng BIGWAS! ang lantaran ang drop ball at color game sa Monumento, Caloocan.

Alyas “Liway” daw ang poste , samantalang ang ano niya ay isang “Marisa”.

Masyadong matapang daw ang dalawang ito dahil mayroong ‘ipinagmamalaki’ sa PNP at Caloocan LGU.