Advertisers

Advertisers

Maling pananaw

0 604

Advertisers

HINDI kami sumasampalataya sa payo ng isang nagmamagaling na netizen na iba ang amang diktador Ferdinand Marcos Sr. sa anak na Fernando Jr., o BBM. Hindi kami naniniwala na may batayan ang kanyang sapantaha na kapag binabanatan ang ama, umaabante ang anak. Isa itong dahilan kung bakit nangunguna si BBM sa survey.

Paglilinaw: Hindi dahil nangunguna si BBM sa survey, panalo na siya. Sinabi ni Marvic Leonen, mahistrado sa Korte Suprema, na hindi survey ang nagpapanalo sa isang kandidato kundi boto. May halos tatlong buwan pa ang kampanya sa halalan. May malaking pagkakataon o tsansa na humabol ang ibang nahuhuling kandidato.

Sa kasaysayan ng pulitika sa Filipinas, palaging natatalo ang mga nanguna sa survey. Maagang nanguna si Jojo Binay sa kanyang mga kalaban noong 2010. Milya-milya agad ang layo ni Binay, ngunit natalo ng masaklap kay Noynoy Aquino. Nanguna si Monching Mitra noong 1992 ngunit natalo kay FVR. Lumamang sa survey si Raul Roco noong, ngunit natalo kay Erap Estrada. May pagkakataon na nanguna si Grace Poe noong 2016, ngunit natalo kay Rodrigo Duterte.



Sa aming pananaw, habang binabatikos ng binabarog ng matindi ang diktadura ni Marcos, mas naapektuhan ang kandidatura ni BBM. Hindi maitago ni BBM ang dahilan bakit matindi ang galit ng mga tao sa kanya. Kilala ang diktadura ng kanyang ama sa malawakang paglabag sa karapatang pantao ng mga Filipino, ang malakihang korapsyon sa gobyerno, at pamamayagpag ng mga kroni na nakakuha ng malalaking kontrata sa gobyerno.

Hindi nagtrabaho si BBM sa buong buhay. Nabuhay siya sa bilyon-bilyon dolyares na ninakaw ng mandarambong na ama mula sa kaban ng bayan. Hindi maikakaila ang pagnanakaw sapagkat maraming katibayan o ebidensiya ang naiwan at nahukay sa mga nagdaang panahon.

Mahirap paghiwalayin ang ama at anak. Nagnakaw ang ama at itinago ang dinambong na salapi. Pinakinabangan ng anak ang halagang dinambong. Walang bakas ng pagsisisi. Walang balak na ibalik ang ninakaw. Ngayon, ginagamit ang dinambong sa kanyang kandidatura. Iginisa ang sambayanang Filipino sa sariling mantika.

Hindi totoo ang sinabi ng netizen na kapag binakbakan ang ama, mas uusad ang kandidatura ng anak. Hindi namin alam kung saan kinuha ang ganyang balbal na katwiran. Sa ganang amin, habang isinisiwalat ang katotohanan sa pandarambong ng ama noong panahon ng diktadura at paglustay ng anak sa nakaw na yaman, titingkad na walang batayan ang kanyang kandidatura kundi kawalanghiyaan.

Mas magagalit ang sambayanan kapag hindi sinasagot ng anak ang mga batikos sa ama . Mas binabanatan ang ama, mas nasasaktan ang kandidatura ng anak. Hindi katwiran ang sinasabi ng ilang tila nababaliw na loyalista ni Marcos. Hindi totoo na hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng ama. Magkasama sila sa pagsasamantala sa bayan. H indi maaaring paghiwalayin.



***

Nakatakdang ibaba sa umpisa ng Marso sa Level 1 ang sitwasyon sa Metro Manila at malaking bahagi ng bansa. Dahil dito, papayagan ang mga lehitimong kumpanya ng bus na ilabas ang kani-kanilang bus at ipasada. Kasama sa mga tatakbong muli ang mga bus na bumabaybay sa ruta sa loob ng Metro Manila. Kasama ang mga bus sa pamprobinsiyang ruta o iyong bumabaybay sa pagitang ng Metro Manila at mga probinsiya.

Hindi malinaw kung dapat huminto at gamitin ng mga bus ang mga sentralisadong terminal sa tabi ng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, Sta Rosa, Laguna, at Paranaque City. Malaking pahirap sa mga pasahero ang paggamit ng mga sentralisadong terminal ng pamahalaan.

Kailangan pumunta ng mga pasehero sa mga terminal at gumugol ng pawis, panahon, at salapi upang makasakay lang ng bus patungo sa mga lalawigan. Hindi naayon sa magandang lohika ang ganito lalo na kung iisipin na may mga sariling terminal ang mga kompanya ng bus sa iba’tibang bahagi ng Metro Manila.

Kulang ang mga pasilidad ng mga terminal sa mga naghihintay na pasahero. Walang pasilidad upang makapagpahinga ang mga drayber. Basta ipinataw ang mga sentralisadong terminal na hindi iniisip ang kapakanan ng mga pasahero.

Hindi madali ang muling pagpasada ng mga bus. Marami sa mga bus ang mga natengga sa mga garahe sa loob ng dalawang taon. Kailangan ikundisyon muli ang mga bus. Kung hindi gagawin ang pagpapakundisyon ng mga bus, malamang na tumirik ang mga iyon sa gitna ng biyahe.

Isa marahil sa pinakamasamang patakaran ng gobyerno ang pagpigil sa mga bus na pumasada. Dahil sa pagpigil, lumago ang mga sasakyang ilegal, o “colorum.” Pinabagsak ng gobyerno ang mga lehitimong kumpanya ng bus upang pagbigyan ang mga colorum na hindi nagbabayad ng buwis, hindi nagbibigay ng resibo, at hindi rehistrado sa mga sangay ng gobyerno. Walang silbi sa gobyerno ang mga colorum.

Pag-aari ang mga colorum ng sasakyan ng mga opisyales ng mga LGUs at retiradong opisyal ng militar at pulis. Umabuso ang mga colorum at nagpataw ng mahigit sa tatlong ibayo ng regular na pamasahe ang marami sa kanila. Sobrang sinakal ang mga mamamayan.

***

MULA sa wall ng aming kaibigan na si Roly Eclevia ang panulat:

Bongbong thinks Filipino voters are stupid

Ferdinand Marcos built the Eiffel Tower in France in honor of his mother Josefa. He set up and financed Apple Computers, hiring Steve Jobs to run the company for him. I-Mac was named for Imee Marcos.

The United States, Great Britain, Canada, as well as France and Germany and all other member-countries of the European Union, keep gold bars owned by the Marcos family. These gold bars are worth trillions of dollars.

If Ferdinand Marcos Jr., alias Bongbong, becomes president, he will take back these gold bars and make the Philippines the richest country in the world.

Unbelievable? Bongbong thinks Filipino voters are stupid to believe these fantastic tales. It looks like he may be right.

***

MGA PILING SALITA: “My friend sent me this PM: ‘You have to admire Ukrainian President Zelensky who vowed his country will fight the Russians to the end. Ukrainians are blessed; they don’t have Duterte as their President, who even before the first bullet was fired, had capitulated to China… And then you have BBM, saying the same thing re China…Wake up Philippines.’

My response: Zelensky is a retired comedian. Duterte is still a practicing comedian. BBM is also a comedian.” – PL, netizen

“Kung namatay na (ang mga nawawalang sabungero). bilang Kristiyano or hindi Kristiyano, sana tulungan ninyo ma-recover ang bangkay ng pinatay nyo kung saan nyo inilibing para mabigyan ng magandang libing” – Bato dela Rosa