Advertisers

Advertisers

Senado ipatatawag si Atong Ang sa pagkadawit sa pagkawala ng 31 sabungero

0 435

Advertisers

IPATATAWAG sa susunod na pagdinig ng Senado ang negosyanteng si Atong Ang makaraang idawit kaugnay sa pagkawala ng 31 sabungero.

“We are going to conduct another hearing next week, wherein iimbitahan na natin lahat nung mga nababanggit doon na hindi natin naimbitahan last meeting, pati si Atong Ang, iimbitahan natin,” pahayag ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

“Siya ang may-ari nitong tatlong arena kung saan nawawala ‘yung mga tao,” anang senador.



Una rito, nakaladkad ang pangalan ni Ang makaraang banggitin ng isa sa kapatid ng nawawalang sabungero ang video kung saan nagbabala si Ang laban sa mga tinaguriang “double agents” na ninanakaw ang kanilang video mula sa e-sabong ng Lucky 8 Star Quest Inc. at ipo-post ang mga ito sa isang kinopyang website upang manghingi ng mga taya nang ilegal.

Samantala, pinabulaanan naman ni Atty. Angelo Niño Santos, pangulo ng Lucky 8 Star Quest Inc., na may kinalaman ang naturang video sa mga nawawalang sabungero at master agent dahil nagpatulong lamang aniya sila sa PNP-CIDG para mahuli ang mga nasa likod ng cloning ng kanilang website.

Pero hindi naman naging kumbinsido si Dela Rosa sa depensa ni Santos.
Hindi rin iniaalis ang posibilidad na may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero ang mga kalaban sa negosyo ni Ang.

Bunsod nito, upang maliwanagan pa kaya ipatatawag si Ang sa susunod na public hearing ng komite sa Marso 3.

Nang tanungin pa si Dela Rosa kung itinuturing na suspek si Ang hinggil sa pagkawala ng mga sabungero, inihayag ni Dela Rosa: “From top to bottom diyan sa e-sabong na ‘yan ay pwedeng maging suspect.”



“But still we need factual evidence para madiin siya pero ito e circumstantial na evidence na pwedeng magamit natin,” sabi pa ng senador.

Una na rin aniya ipinatawag si Ang noong unang pagdinig ng Senado ngunit hindi nakadalo dahil sa problema sa kalusugan.

“So we’re expecting na maka-attend siya sa second hearing natin,” ani Dela Rosa sa sandaling bumuti na ang kalusugan ni Ang.

Matatandaang pinasuspinde muna ng komite ang operasyon ng e-sabong at lisensya ng mga ito hangga’t hindi nareresolba ang mga naturang kaso. (Mylene Alfonso)