Advertisers
Arestado ang isang taho vendor sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. District, 4, San Manuel sa Isabela.
Kinilala ang suspek na si Arjay Yerro, 36, walang asawa at residente ng Brgy. Nuesa 1, Roxas, Isabela.
Ayon sa PDEA, Region 2, nahuli ang magtataho nang bentahan ng isang pakete ng shabu ang PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang isang libong piso (P1,000).
Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang apat (4) na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.7 grams at nagkakahalaga ng mahigit sa P4,000.
Napag-alaman na kabilang si Yerro sa Municipal Target Listed Drug Personality na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Rey Velasco)