Advertisers

Advertisers

PERRY KABAYO AT MADAM TISAY NG KYUSI, BALIK-OPERASYON SA SUGAL-LUPA!

0 395

Advertisers

MAKARAAN ang ilang panahong pananahimik dahil na rin marahil sa ating sunud-sunod na upak at expose’ sa ating mga kolum sa pahayagan,balik operasyon na muli ang lotteng at PERYAHANG BAYAN operations nitong kupal na si Perry M. alyas Kabayo at ang pamosong si Madam Tisay ng Quezon City.

May blessing umano kay Mayor Joy Belmonte at sa bagong talagang QCPD Director, Brig. Gen. Remus Balingasa Medina ang mga pasugal na ito nina PERRY KABAYO at Madam Tisay.

Isang alyas RAMIL SUPOT naman ang umano’y “designated bagman” ng Quezon City Hall (Office of the Mayor) at ng QCPD (ODD) na siyang tagahatid ng regular na grasya sa mga buwayang ito.



Matindi umano talaga at sadyang “bagyo” kay Mayor Joy Belmonte itong si PERRY KABAYO na may ilang dekada na ring nagsasabog ng lagim sa nasabing lungsod.

Noong mga nagdaang panahon, sa mga night clubs at gay bars nakalinya ang mga negosyo nitong si PERRY KABAYO pero nang magpandemya, luminya na sa iligal na sugal ang mamang mukhang kabayo.

Ipinagmamalaki nito na BFF niya “as in best friend forever” ang hugis “MANGGANG” alkalde.

“Birds of the same feather, fuck together talaga”!

Mahilig sa kurakot at iligal.



Going back sa operasyon ng mga pa-lotteng at PERYANG BAYAN nitong sina PERRY KABAYO at MADAM TISAY, halos lahat na umano ng sulok ng lungsod Quezon ay may kubranza ang mga hinayupak na ito maging ng mga tauhan nila na sina GREGSON, BOBBY KALAYAAN,BOYET, PINING, VHER, CARLO, CYNTHIA at FIDEL.

Sama-sama at tulung-tulong ang mga galising ito sa pagpapakalat ng opisyo ng pagsusugal na ang mga direktang biktima ay pawang mga mahihirap na residente ng lungsod Quezon.

Bukod sa pangalan ni Mayora Joy Belmonte, kaladkad din sa katarantaduhang ito ang isang pang kapatid ng alkalde na ayon pa kay PERRY KABAYO ay ubod daw ng TAKAW sa PAYOLA.

Ang buong akala ko at pagkakakilala sa pamilya Belmonte ay may kaya at desenteng pamilya, bakit ‘yung intelihensiya sa sugal-lupa ay pinapatulan na rin?

Sabagay, maliit o malaki man ‘yan, kuwarta pa rin naman ‘yan para sa mga gahaman at sakim !

Tila walang kabusugan ang mayorang malapit nang mapalayas diyan sa city hall.

Bukod sa daan milyong pisong over-priced sa mga ipinamudmud na groceries noong kasagsagan ng pandemya, eto pa rin siya at ang kanyang kapatid na nakikisawsaw sa PAYOLA sa iligal na sugal!

Walang talagang kabusugan!

Hindi po tayo ang nagsasabi nyan ha?

Mga lehitimong taga-Quezon City na naririnig ang atungal at pagyayabang nitong si PERRY KABAYO.

Hindi lamang pala mukhang gurang na kabayo itong hindot na si PERRY, may lahi parin palang gansa na ubod ng ingay!

Madaldal at matabil ang dila!

Going back sa operasyon ng sugal na ito ng “untouchable duo na PERRY KABAYO at MADAM TISAY, marami rin umano sa mga opisyal at tauhan nitong si General Medina ang mistulang patabaing baboy ng mga iligalista ng Quezon City.

Hay sabi ko na nga ba, press releases as in FAKE NEWS lamang ang mga mapaglilinis (internal cleansing) sa hanay ng pambansang kapulisan.

Kung baga sa sakit, ang pagiging korap at masiba sa kuwarta ng ating mga pulis ay talamak na at maihahalintulad sa cancer.

Kahit pa nga doblehin mo pa ang sahod ng mga ulol na ito, kakati pa rin ang pagnanasa sa “EASY MONEY” galing sa payola at iba pang iligal.

Do you agree PNP Chief, Dionardo Carlos sir??!!!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com