Advertisers

Advertisers

El Shaddai kay Atty Alex Lopez na!

0 433

Advertisers

YES mga katoto, nakuha na ni Manila Mayoral candidate Kuya Atty Alex Lopez ang ‘basbas” ng maimpluwensyang religious leader na si Brother Mike Velarde ng El Shaddai.

Nakumbinse si Bro. Mike na si Atty. Alex ang siyang karapat-dapat na humalili kay Yorme Isko sa Maynila bilang Alkalde sa 2022 election.

Ekonomista na, builder pa!



***

NAGANAP ang endorsement kay Kuya Alex sa family appointment with El Shaddai nitong Linggo, Pebrero 26 sa International House of Prayer sa Amvel City ground sa San Dionisio, Paranaque City.

Bukod kay Kuya Alex, nakuha rin ng kanyang ka-tandem na si Raymond Bagatsing ang basbas ni Bro. Mike at sinaksihan ito ng libo-libong katao dumalo sa prayer meeting.

Kaya, legit ang endorsement mga katoto!

***



NASABI natin legit dahil may ipinapakalat din si Amado Bagatsing na larawan na umano’y endorsement niya kay Bro. Mike sa social media.

Peke ito mga katoto, dahil luma na ang nasabing kuha litrato at wala naipakita si Amado na kasama siya sa stage sa prayer meeting ng El Shaddai, kumpara kina Kuya Alex at Raymond na naroroon talaga sa venue.

In short, binubudol lang ni Amado ang Manileno!

RELIGIOUS GROUP KUHA RIN NI KUYA ALEX!

PARAMI nang parami ang nag-pledge ng support kay Kuya Alex, pati mga kapatid natin Muslim at iba pa religious group.

Naniniwala kase sila na tanging si Kuya Alex ang may kapasidad na ibangon muli ang Maynila mula sa pagkakabaon ng utang ng Lungsod na umaabot sa P25 billion.

Ang kailangan ng Maynila, isang ekonomista ‘di dermatolohista!

***

PANGUNAHIN talaga programa ani Kuya Alex na bigyan nang pinansyal na suporta ang mga Manilenyo o ang kanyang Kasosyo loan program.

Pauutangin ni Kuya Alex ang nais na magtayo ng munting negosyo mula P20k hanggang P50k depende sa kanilang kakayahan magbayad.

Wala ito tubo o interest!

“TEACH THEM HOW TO FISH”

SABI ni Kuya Alex, dapat tulungan ang Manileno na makabangon sa krisis ng pandemya na naranasan sa bansa.

At magagawa lamang ito kung aayudahan ng lokal na pamahalaan – pinansyal at skills training sa pagnenegosyo.

Ika nga, don’t give them a fish, teach them how to fish!

***

SA ganitong prinsipyo matuto tayo na tumayo sa sariling paa at hindi umaasa palagi sa ayuda mula sa gobyerno.

Hindi mga food packs ang makakabuhay sa Manileno, kundi pagturo sa kanila ng paraan kung paano mabuhay nang hindi umaasa.

Lalong hindi nakakabuhay ang mga beautification projects!

P25 BILLION LOAN NG MAYNILA, NASAYANG!

NAKU, kung pinagamit na lamang sana nina Yorme at outgoing Vice Mayor Honey Lacuna ang inutang nilang P25 billion mula sa Land Bank at Development Bank of the Philippines sa Manileno at hind sa kanilang mga pansariling kapritso at ambisyon, ‘di sana hayahay tayo.

Aanhin mo ang mga magagandang tanawin, mga exotic animals, parke, naglalakihang gusali, kung wala naman laman ang iyong sikmura.

Sabi nga, “You can’t live a full life on an empty stomach!”

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)