Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Marso 2 ng pinakamababang bilang ng new daily COVID-19 cases sa Pinas ngayong taon na umabot lamang sa 866.
Batay sa DOH case bulletin #718, nabatid na dahil sa naturang mga bagong kaso ng sakit, ang total COVID-19 cases sa bansa ay nasa 3,663,920 na.
Sa naturang kabuuang bilang, 1.4% na lamang o 50,827 ang nananatili pang aktibong kaso.
Kabilang dito ang 45,862 na mild cases at 474 na asymptomatic cases.
Nasa 2,776 naman ang moderate cases, 1,417 ang severe cases at 298 ang critical cases.
Nakapagtala rin ang DOH ng karagdagan pang 1,622 pasyenteng gumaling na sa karamdaman, sanhi upang umabot na sa 3,556,589 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.1% ng total cases.
Mayroon ding 53 pasyente ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.
Sa kabuuan, ang Pilipinas ay mayroon nang 56,504 COVID-19 deaths. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)