Advertisers
UMAKYAT na sa 34 mula sa 31 ang bilang ng mga nawawalang sabungero sa Maynila, Laguna at Batangas.
Sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order chairman Ronald “Bato” dela Rosa, inihayag na ang naturang bilang ay base sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP).
Ang karagdagang tatlo ay nawala matapos madiskubre ang panggagaya nila sa website ng isang lisensiyadong online sabong operator.
Sa public hearing, inanunsiyo ni CIDG Director Eliseo Cruz na may masasampahan na sila ng mga kasong kidnapping at serious illegal detention na anim katao sa Manila Prosecutors Office.
Ayon pa kay Cruz, naghihintay na lamang sila ng warrants of arrest mula sa korte upang maaresto ang anim.
Ibinahagi ni Cruz na 13 sabungero ang isinakay ng mga guwardiya ng Manila Arena sa isang van. (Mylene Alfonso)