Advertisers

Advertisers

Bong Go, pinapurihan ang mga nagawa ni PRRD

0 238

Advertisers

MAHIGIT dalawang buwan na lang bago ang pambansa at lokal na halalan, muling nagpahayag ng pag-asa si Senador Christopher “Bong” Go na patuloy na susuportahan ng mga susunod na pinuno ng bansa ang mga programang pinasimulan ng administrasyong Duterte para magkaroon ng mas komportableng buhay ang lahat ng Pilipino.

Binanggit ng senador ang programa ng Malasakit Centers na nakatulong sa mahigit tatlong milyong mahihirap at pinakamahihirap na Pilipino sa buong bansa mula nang ilunsad ito noong 2018.

“Natutuwa ako dahil nakaabot na ang Malasakit Center sa pinakadulo ng ating bansa. Nitong Marso 1 ay binuksan na ang ika-150 na Malasakit Center sa Batanes General Hospital sa Basco. Ito ang kauna-unahang center sa probinsya ng Batanes,” ani Go.



“Sinundan ito ng pagbubukas ng ika-151 Malasakit Center sa Quirino Provincial Medical Center… Kaya kahit anuman ang mangyari sa pulitika lalo na’t hindi papalapit ang eleksyon, sana ay maipagpatuloy at mabigyan ng kaukulang suporta ang mga programang katulad ng Malasakit Centers. na nakakatulong sa mga mahihirap lalo na ‘yung mga walang matatakbuhan,” idinagdag niya.

Isang one-stop shop, ang Malasakit Center ay idinisenyo para sa mahihirap at pinakamahihirap na Pilipino upang maginhawang makakuha ng tulong medikal mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Si Go ang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019.

Pinuri ng senador ang mga miyembro ng Executive branch na naging mahalaga sa tagumpay ng mga programa at proyekto ng administrasyon sa gitna ng pandemya ng COVID-19 at iba pang pambansang krisis.

“Binigyang-pugay ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Gabinete na tulad niya ay nagtatrabaho nang todo para mabigyan ng mas komportableng buhay ang mga Pilipino sa ilalim ng kanyang termino,” ayon kay Go.

“Dahil sa magandang performance ng mga ito, masaya ang Pangulo na maipasa sa susunod na administrasyon ang isang matatag na gobyerno na handang ipagpatuloy ang kanyang tungkulin na maipaglaban ang kapakanan ng buong Sambayanang Pilipino kahit saan mang parte sila ng mundo,” anang pa ng senador.



Sa huli, nanindigan ang senador na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng bansa, magandang pamana ang maiiwan ni Pangulong Duterte para sa bansa at sa mamamayang Pilipino.

“Alam kong nalulungkot ang Pangulo dahil marami pa siyang gustong gawin. Para sa akin, napakaganda ng legacy na maiiwan niya. Ang tanging hinangad niya at ng kanyang administrasyon ay mailagay ang Pilipinas sa mas magandang kalagayan ngayon at sa inaasahang kumpara sa nakalipas,” sabi ni Go.