Advertisers

Advertisers

ACCEPTANCE RATING’ NI REP. ERIC MARTINEZ LALONG TUMAAS!

0 238

Advertisers

NAKAPAGTALA si Deputy Speaker at two-term Valenzuela City 2nd District Rep. Eric Martinez ng napakalaking ‘acceptance rating’ sa isang independent survey na isinagawa kamakailan, na lalo pang nagpalobo ng kanyang kalamangan sa katunggali niya sa nalalapit na May 9 elections.

Mula sa 73 percent noong August 2021, tumaas pa sa 84 percent ang nakuhang rating ng Valenzuela City 2nd District lawmaker sa January 2022 survey, habang ang kalaban niya ay nabawasan pa ng 2 percent, na naging 16 percent, kumpara sa 18 percent nito noong nakaraang taon.

Ilang local political observers ang agarang napahayag ng kanilang saloobin hinggil dito at kumbinsido silang ang naturang latest survey ay resulta ng kahanga-hanggang accomplishments ni Martinez sa larangan nang paghahatid ng social services, sports development, education at healthcare lalo nitong kasagsagan ng COVID-19 crisis.



Gayundin, inilarawan si Martinez bilang mayroong ‘dynamic nationwide health information dissemination’ campaign bukod pa sa masigasig nitong pagmamahagi ng tulong sa kanyang mga nasasakupan.

Patunay nito na sa loob lamang ng halos 12 buwan, higit 150,000 bags of rice ang naipamahagi ng Congressional office ni Martinez partikular sa mga indibidwal at pamilya na residente ng nasasakupan niyang distrito na grabeng naapektuhan ang kabuhayan dala ng coronavirus pandemic.

Hindi rin maisasantabi ang mga nagawa ng kongresista sa hanay ng kanyang pre-pandemic infrastructure projects, na ang resulta at kapakinabangan ay higit pa sa inaasahan ng karamihan.

Kabilang dito ang naipagawa ni Martinez na higit sa 400 classrooms sa loob lamang ng halos anim na taon niyang panunungkulan, kasama na ang konstruksyon ng iba’t-ibang road networks at pagpapatayo ng 12 world-class basketball courts, na bukas sa publiko, walang bayad at simbolo ng kanyang matibay na adbokasiya sa larangan ng youth and sports development.

Bilang bahagi ng matatag niyang programa sa pagkakaloob ng serbisyo medikal sa gitna ng pandemya, ilang health care at day care centers din ang naipagawa mula sa inisyatiba ni Martinez.



Marami ang naniniwala na dahil sa napakalaking ‘acceptance rating’ ni Martinez sa hanay ng mga mamamayan at botante ng Valenzuela City 2nd District, mananatiling matatag ito sa kanyang kasalukuyang posisyon, hindi magagawang talunin, walang duda at tiyak na panalo sa darating na May 9 polls, para kanyang ikatlo at huling termino bilang kinatawan sa Kamara.

“Talaga namang maraming nagawa at maraming natulungan si Congressman Eric Martinez lalo nitong panahon ng pandemya. Kaya papaano siya tatalunin ng kalaban niya na magpapakita lang sa mga tao kapag panahon ng eleksyon?” Tahasang sabi pa ng isa sa local political observers.

Matatandaan na nilampaso ng husto ni Martinez ang kanyang nakatunggali noong May 2019 elections matapos na makapagposte ng halos 70,000 boto na kalamangan. Si Martinez ay mayroong kabuuang 106,848 votes habang 37,935 votes lamang ang nakuha ng isang sumubok na lumaban sa kanya.