Advertisers

Advertisers

Composer ng 90’s hit na ‘Dying Inside’, nagbigay ng suporta kay Isko

0 440

Advertisers

ANG composer ng kantang ‘(Dying Inside) To Hold You,’ na isang hit noong dekada 90 at ngayon ay highly-associated kay Manila Mayor Isko Moreno, ay nagbigay ng suporta sa Aksyon Demokratiko standard bearer sa kanyang pagtakbo sa May elections.

Lumikha pa rin ng campaign jingle si Daniel Van Passel para kay Moreno, gamit ang mismong boses niya sa melodiya ng “signature song,” pero iba na ang lyrics.

“It’s just a tryout vocal but I played to a few people and they liked it,so I kept my tryout vocals which makes it even more personal,” sabi ni Van Passel.



Ang interes ni Van Passel kay Moreno ay nagsimula nang video nito na sumasayaw sa tugtog ng ‘Dying Inside’ sa isang hospital event ay nag-viral sa Facebook, kung saan mayroon itong mahigit sa million views at 88,000 shares sa loob lamang ng isang oras. Ito ay nangyari ilang buwan bago pa maupo si Moreno bilang alkalde ng Maynila noong 2019.

Sinabi ng songwriter na siya ay very proud at honored na si Moreno ay fan ng kanilang musika at sinabi niya rin na gustong-gusto niya ang signature dance moves ng alkalde dahil lagi itong pinapatugtog sa maraming pagtitipon na dinadaluhan nito.

Simula noon ay sinundan na ni Van Passel si Moreno sa social media at nalaman niya kung paano ito nagsimula mula sa pagiging dukha hanggang sa maging chief executive ng kabisera ng bansa.

Sa pagpapahayag ng kanyang suporta kay Moreno, sinabi ng composer kung paano nagsilbing inspirasyon sa mga mahihirap na Pinoy si Moreno at kung paano nito itinanim sa kanilang isipan na hindi hadlang ang kahirapan sa pagtupad ng mga pangarap at makaangat sa buhay.

Malaki rin ang tiwala ni Van Passel na pagsisilbihan ni Moreno ang mga Pinoy ng husto dahil alam nito kung paano ang maging mahirap at base sa kung paano niya pinatakbo ang Maynila.



Bumilib din ang songwriter, composer at music publisher sa pagiging maka-Diyos ni Moreno na makikita sa kanyang c slogan na “God, First!” . Malaki ang paniniwala ni Van Passel na kung ano ang ginawang pagpapaunlad ni Moreno sa Maynila sa kabila ng pandemya ay gagawin niya rin ito sa buong bansa, gaya ng kanyang ipinangako.

Pinuri din ni Van Passel si Moreno sa kanyang mga kongkretong ginawa tulad ngayong pandemya na direktang pinakinabangan ng mga mahihirap na naninirahan sa loob at labas ng lungsod.

Ang mga pro-people programs ng lungsod na kinabibilangan ng mass housing, social amelioration tulad ng pagbibigay ng monthly financial assistance sa mga senior citizens, solo parents, university students at persons with disabilities ay naisakatuparan ng mabilisan sa loob ng dalawang taon, ayon pa kay Van Passel.

Mahusay din ang naging performance ni Moreno sa mga presidential debates at maging sa mga panayam nito ayon pa kay Van Passel dahil napapanood niya ito mismo.

Sa kanyang maiksing mensahe sinabi ni Van Passel na : “We support you 100 percent and we encourage all fans and voters to vote for you because yes, we believe you are the only one who can be President of all the people. We made a special version specially for your presidential campaign. Good luck and God bless!” (ANDI GARCIA)