Advertisers

Advertisers

Hamon ng PETCs kay Tugade, patas na batas!

0 731

Advertisers

Muling inalmahan ng mga Private Emission Testing Centers (PETCs) si Dept. of Trasportation Sec. Arturo P. Tugade sa kaniyang binitiwan salita nang tanungin ito kung bakit hindi na-re-renew ang mga PETCs.

Agad nagpaliwanag si Tugade na “may proseso ito at ang “PMVIC can co-exist”.

Hindi maipaliwanag ni Tugade ang mga nangyayari sa kanyang tanggapan kaya nabulaga sa mga katanongan ng ilang mamamahayag at ipinasa ito sa isa sa kanyang tauhan.



Kaya hinamon si Tugade na ibigay ang mga pangalan ng PETC at lokasyon na hindi na re-renew ng mga piling pinakakatiwalaan na humahawak sa nasabing usapin.

Mula Oktubre 2021 hanggang sa kasalukuyan, mahigit 160 PETC ang hindi ni-renew ni Undersecretary Atty. Artemio U. Tuazon, III.

Maliwanag ang nais gawin nito na burahin ang mga PETCs na pinapalitan ng “PMVIC”.

Nakalimutan ni Tugade na ang sumaklolo ng malapit ng madiskarel ang kanilang tanggapan, kaya pumasok ang mga pribadong investor at lumalabas tuloy pagtapos ng termino ng pagulong Duterte ubos na mga PETCs.

Na ang ugat ng pinaiiral na sistemang ito ang Moratorium DOTR Order No. 2016-020 na walang ng idagdag pang PETC matapos ang Oktubre 2016 dahil sobra na ang PETCs. Sa sariling kautusan ni Tugade.



“Accordingly, a nationwide moratorium is hereby imposed on the acceptance for new applications of PETCs.”

Hiling ng grupo na ipaliwanag at pag-aralan mabuti ang mga kinatay na PETCs taong 2003 na nag-o-operate at nakipagtulungan sa LTO at DOTC nang walang gustong maglagak ng pera at investment para tulungan mapanatili ang kalinisan ng hangin sa bansa.

Walang maliwanang na paliwanang si Usec. Tuazon sa pagtanggi ng renewal maliban sa DOTR Order sa mga PETC na nag-file ng verified motion for reconsideration (MR), na may mga napagbigyan naman ngunit piling-pili lamang.

Ang ibig sabihin pare-pareho ang dahilan ng MR ngunit iba-iba ang resolution ni Usec. Tuazon.

Kagaya ng mga sumunod na PETC na nag-file din ng MR binubutasan na hindi nagbayad ng P200.00 na appeal fee. Subali’t pag nanghingi ng assessment, ang tagal bago bigyan ng DOTr. Halimbawa ang mga PETC na nasa malalayong lugar sa Pilipinas, walang kaalam alam paano magbabayad dahil sa DOTr DBP account lang daw dapat magbayad.

Hiling ng grupo na sana sa halip na ibasura ang MR dahil sa ‘di pagbayad ng filing fee, i-proseso pa din ang MR at agad pagbayarin ng appeal fee tulad sa mga korte sa bansa ‘pag hindi nabayaran ang filing fees na ginagawang “lien” lamang at hindi papayagan magtuloy operasyon hanggang hindi nababayaran.

“Para sa kapakinabangan ng iilang mayamang negosyante ng wala sa batas na Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC), ang kapalit nakakagimbal na pagkagutom at walang pag-asa ng mga PETCs, mga pamilya, kawani at komunidad nito.”