Advertisers

Advertisers

Mala-Pederalismo na programa ni Ping papatok kapag maipatupad

0 322

Advertisers

HINDI na kailangan na mabago ang sistema ng pamahalaan patungo sa pederalismo para lamang maramdaman ng lahat ng lugar sa Pilipinas ang mga serbisyo ng gobyerno dahil, ayon kay Partido Reporma Panfilo ‘Ping’ Lacson, kaya itong magawa sa pamamagitan ng isinusulong niyang programa.

Sa panayam ng DZRH nitong Sabado, ipinaliwanag ni Lacson ang benepisyo ng Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) program na puso ng kanyang mga plataporma. Sa ilalim nito ay maibababa sa mga local government unit (LGU) ang pondo mula sa national government.

“‘Yung pangunahin naming programa, ‘di ba, ibaba ‘yung pondo at bayaan na lang mag-implementa ‘yung mga local government unit nang sa ganoon magkaroon ng mga job opportunities sa mga lugar-lugar sa Pilipinas,” sabi ni Lacson sa kanyang pakikipag-usap sa radio host na si Cesar Chavez.



Ito rin ang panukalang batas na matagal na niyang isinusulong sa Senado dahil alternatibo ito sa pederalismo, at makapagpapalakas sa kakayahan ng mga LGU na maipatulad ang mga plano para sa kaunlaran ng kanilang komunidad.

“Talagang dapat i-devolve natin e. Parang meron tayong pederalismo na walang pederalismo… Talagang i-empower lang natin, palawakin natin ‘yung papel ng mga local government unit. I think we’ll be good as a country,” ani Lacson.

Sabi ni Lacson, sa kanilang pakikipagdayalogo sa mga LGU na kanilang binibista ngayong kampanya, positibo ang nakukuha nilang tugon mula sa mga lokal na opisyal dahil maging sila ay inirereklamo ang nangyayari sa kasalukuyang sistema na halos ‘namamalimos’ sila para mapondohan ang kanilang mga proyekto.

“Mas mainam nang direkta sa LGU, i-devolve na lang. Kasi ang nangyayari na-devolve ‘yung function, maski under the Mandanas Ruling, okay nadagdagan ‘yung pondo nila pero katakut-takot naman daw ‘yung mga nasa menu na halos wala na silang say. So, ‘yun din ang reklamo ng mga LGU. So, mas mainam na ‘yung i-devolve,” aniya.

“Anyway, nandiyan naman ‘yung mga provincial offices, regional offices ng mga agencies na kung saan pwede silang makipag-ugnayan tungkol sa mga technical issues kung ano ‘yung mga dapat na ano… Koordinasyon lang e. Ang problema, sobrang centralized,” dagdag pa ni Lacson.



Sigurado aniya na sa pamamagitan ng BRAVE, maiiwasan ang tila tradisyong hindi nakikinabang ang mga dapat sana’y nakikinabang sa mga proyekto ng pamahalaan.