Advertisers

Advertisers

Malakihang taas-presyo sa oil products ipatutupad sa susunod na linggo – DOE

0 188

Advertisers

NAGBABALA ang Department of Energy (DOE) sa publiko na maghanda sa panibagong oil price increase sa susunod na linggo.

Pahayag ni Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, pumalo na ngayon sa US$ 116.19 ang kada bariles ng Dubai crude.

Mas mataas ito sa US$ 83.46 kada bariles noong Enero at US$ 83.46 noong Pebrero.



Tiyak aniya na magkakaroon ng malakihang pagtataas ng presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Tumanggi naman si Abad na tukuyin kung magkano ang itataas ng presyo ng produktong petrolyo para hindi maimpluwensyahan ang mga may-ari ng gasolinahan.