Advertisers
TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na “suicidal” si Russian President Vladimir Putin matapos ang naging talumpati nito sa pagpapasinaya ng Narvacan Farmers Market sa nasabing bayan sa Ilocos Sur.
Sinabi ni Duterte, kailangan umanong bantayan ang kaniyang kaibigan na si Putin dahil suicidal umano ito at magwawala kung sakaling mapahiya sa nangyayari sa Ukraine.
Apela ni Duterte, sana tapusin na ng Russia ang pananakop sa Ukraine dahil wala naman itong mabuting maidudulot sa sinuman.
Maliban dyan, ipinahayag din nito na huwag lamang silang gagamit ng nuclear device dahil sa posibleng pagkadamay ng lahat.
Gayundin ang pagiging neutral lamang ng bansa sa nasabing isyu.
Subalit sinabi ng pangulo na maari aniyang isang araw kakailanganing din ng bansa na magdesisyon kung saan ito papanig. (Vanz Fernandez)