Advertisers

Advertisers

2nd wave ng food box, nakatakdang ipamahagi ng Manila LGU

0 295

Advertisers

Bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigan dala ng iringan sa pagitan gn Ukraine at Russia na maaring makaapekto naman sa presyo ng bilihan sa bansa, ang pamahalaangb lungsod ng Maynila ay muling naghanda ng Food Security Program.

Ito ay upang maibsan ang kinakaharap na hirap sa buhay ng Manilenyo.

Kasabay nito, nagsagawa ng inspekyon sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa San Andres Complex kung saan inimbak ang mga “food boxes” para sa higit 700,000 pamilya sa lungsod ng Maynila na nakatakdang ipamahgi anumang araw simula ngayon.



Ang nasabing food boxes, naglalaman ng mga canned goods tulad ng sardinas, luncheon meat, corned beef, instant coffee, at bigas.

Ayon kay Domagoso, layunin nila ni Lacuna na walang magugutom na pamilya sa lungsod lalo na ang mga lubhang tinamaan ng pandemya at mga drayber ng pampublikong sasakyan na naghihirap na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.(Jocelyn Domenden)